Wala kang pakialam kung ayaw mo yung gusto ko
Wala kang pakialam kung ayaw ko sa 'yo
Wala kang pakialam sa mga ginagawa ko
Wala kang pakialam kung ayaw ko sabihin yung gusto mo malaman
Wala kang pakialam kung ayaw ko yung gusto mo
Wala kang pakialam kung kung mali para sa 'yo yung mga ginagawa ko
Wala kang pakialam, buhay ko 'to.
Please naman hayaan mo ako
Please naman intindihin mo ako
Please naman maging sensitive ka
Please naman wag mo akong pigilan
Please naman isipin mo ako
Bakit ba ang dami mong reklamo?
Bakit ba lagi na akong mali para sa 'yo?
'Di mo ba alam na matagal na akong nasasaktan?
'Di mo ba alam na iba yung galaw ng mundo natin?
'Di mo ba alam na lahat na lang ng bagay ay nirereklamo?
Nakakaasar ka
Nakakainis ka
Ayoko sa 'yo
Pero bakit hindi ko masabi sa 'yo?
Dahil ba natatakot akong magalit ka sa 'kin?
Dahil ba masisira yung imahe ko?
O dahil ayoko kita masaktan?
Sunday, October 26, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)